[00:00.01] Pasensya na kung ako ay hindi nagsasalita [00:14.00] Tandang tanda ko pa simula pa nang mga bata pa tayo [00:17.71] Una kang nasilayan nang lumipat ka saming baryo [00:21.45] Nilapitan ka't kinausap at tayo'y naging magkaibigan [00:24.99] Laging mong kakwentuhan sa umagahan natin na tambayan [00:28.58] Di ko alam kung bakit damdamin sadyang napalapit [00:31.83] Gustuhin ko mang sabihin ako'y kaibigang matalik [00:35.19] Ng lalake na sayo'y gabi-gabi ang panliligaw [00:38.58] Ika'y sakin nagtanong at para bang nagpahapyaw [00:42.05] Na ako ang syang nakakaalam kung ano ang mas tama [00:45.62] Kung oo o hindi at kung saan ka liligaya [00:48.99] At sinabi ko ang taong yan ay mapagkakatiwalaan [00:52.44] Di ka sakin sumagot nabalitaan ko na lang [00:56.47] Wag mo na akong pilitin [01:00.30] Ako ay walang lakas ng loob para tumanggi [01:10.21] Walang dapat ipagtaka [01:14.06] Ako ay pinanganak na torpe [01:18.84] Sa ayaw at hindi [01:23.52] Lumipas ang 10 taon nasa Maynila ka na raw [01:27.31] Hindi kayo nagkatuluyan may trabahong di sa araw [01:31.00] At kinukulayan ang mga labi mo sa gabi [01:34.13] Upang takpan ang iyong lungkot at ang luha sa iyong ngiti [01:37.79] Ako'y nagsisi kung alam ko lang di sana'y noon pa [01:41.40] Hindi ko na pinagpaliban ang aking nadarama [01:44.67] Kung bibigyan lang ako ng isa pang pagkakataon [01:48.00] Ibabalik ko kung ano man ang mayroon tayo noon [01:51.57] Isisigaw ng malakas hindi ko na ibubulong [01:55.07] Damdamin ko para sa'yo dalangin sana'y may tugon [01:58.53] Na ang noon ay mahawakan at makasama ngayon [02:02.00] Hanggang bukas at sa marami pang susunod na taon [02:05.98] Wag mo na akong pilitin [02:09.90] Ako ay walang lakas ng loob para tumanggi [02:20.04] Walang dapat ipagtaka [02:23.66] Ako ay pinanganak na torpe [02:28.32] Sa ayaw at hindi [02:32.97] Isang gabi habang ako'y nakaupo sa harapan [02:36.79] Ng aming bahay at tila ba nakatulala sa buwan [02:40.23] Ay may isang babae na sakin lumapit at nagsalita [02:44.22] Hindi nakapagsalita ako'y napatulala [02:47.68] Lubos ang aking ligaya hindi makapaniwala [02:51.17] Siguro'y panahon na upang kami'y magkasama [02:54.42] Hinawakan ko ang kanyang malambot na palad [02:57.91] Singsing na may bato ang sa akin ay tumambad [03:01.27] Ikaw pala'y ikakasal at sa akin ay magpapaalam [03:04.79] Di na nakuhang sabihin at sayo'y ipaalam [03:08.09] Ang tunay kong nadarama bakit parang alam mo na [03:11.61] Sa pagtalikod at may tumulong luha sayong mata [03:15.45] Wag mo na akong pilitin [03:19.52] Ako ay walang lakas ng loob para tumanggi [03:29.89] Walang dapat ipagtaka [03:33.31] Ako ay pinanganak na torpe [03:38.20] Sa ayaw at hindi [03:42.57] Pasensya na kung ako ay hindi nagsasalita [03:56.41] Pasensya na kung ako ay hindi nagsasalita