[00:08.38] 'Wag kang mabahala, may nagbabantay sa dilim [00:16.16] Nag-aabang sa sulok at may hawak na patalim [00:24.48] 'Di ka hahayaan na muli pang masaktan [00:32.45] 'Wag ka nang matakot sa dilim [00:40.23] Ito ay kuwentong hango, nanggaling sa dalawang taong [00:44.02] Nagmamahalan nang tunay, ang ngala'y Elsa at Lando [00:48.08] At kahit parang pagkakataon ay nakakandado [00:51.87] Dahil magkalayo ang uri ng buhay ang estado [00:55.94] Ng buhay ni Lando ay 'di nalalayo sa marami [00:59.96] Sinunog ng araw ang kulay ng balat [01:03.05] At marami nang galon ng pawis ang kanyang naidilig sa lupa [01:07.95] Upang ang gutom ay 'di na masuklian pa ng luha [01:11.90] Habang ang babaeng kanyang minamahal ay sagana [01:16.26] Ngunit kabilang sa pamilya na 'di alintanang [01:19.81] Makipagkapuwa-tao sa mga tulad n'yang dukha [01:23.77] Gayon pa ma'y patuloy ang pagmamahal na pinunla ng pag-ibig [01:28.54] 'Wag kang mabahala, may nagbabantay sa dilim [01:36.09] Nag-aabang sa sulok at may hawak na patalim [01:44.32] 'Di ka hahayaan na muli pang masaktan [01:52.34] 'Wag ka nang matakot sa dilim [01:59.82] Kahit na ano mang bagay ang pilit na ihadlang [02:04.01] Sino man ay walang makapipigil sa paghakbang [02:07.76] Ng mga paa na ang nais ay marating ang ligaya [02:12.06] Niyayang magtanan, 'di nag-atubili na sumama [02:15.95] Hawak ang pangarap at pangako sa isa't isa [02:20.01] Nagpakalayo-layo, 'di namuhay na may kaba [02:23.68] Dahil alam nila na sa bawat isa'y nakalaan [02:27.82] At ang pagmamahalan, tangi nilang sinasandalan [02:32.09] Wala nang ibang bagay pa silang mahihiling [02:35.73] Kundi isang pamilya sa loob ng apat na dingding [02:39.82] At isang bubong na maaaring tawaging tahanan [02:43.97] Bakit may pangit na kabanatang kailangang daanan pa? [02:48.49] 'Wag kang mabahala, may nagbabantay sa dilim [02:56.10] Nag-aabang sa sulok at may hawak na patalim [03:04.41] 'Di ka hahayaan na muli pang masaktan [03:12.32] 'Wag ka nang matakot sa dilim [03:19.82] Isang gabi ng Huwebes, lumubog na ang araw [03:23.60] Doon tayo magkita, pasalubong ko'y siopao [03:27.69] Upang ating paghatian pagdating ng hapunan [03:31.66] Mayro'n palang nakaabang sa 'min na kamalasan [03:35.86] Eskinita sa Ermita, may sumaksak kay Elsa [03:39.74] Sa tagiliran, isang makalawang na lanseta [03:43.61] Ang gamit upang makuha lang ang kanyang pitaka [03:47.67] Kami'y mahirap lamang, bakit 'di na s'ya naawa? [03:51.61] Hindi ko naabutang buhay ang aking mahal [03:55.62] At hanggang sa huling hantungan ay nagdarasal [03:59.74] "Bakit po? Bakit po?", ang laging lumalabas [04:03.64] Sa 'king bibig, palaboy-laboy, ni walang landas [04:07.81] Akong sinusunod, baliw sa mata ng marami [04:11.95] Siguro nga, 'di ko na kilala ang aking sarili [04:15.98] Pangala'y taong grasa, may patalim na gamit [04:19.74] At ang tanging alam ay isang malungkot na awit, at ang sabi [04:24.36] 'Wag kang mabahala, may nagbabantay sa dilim [04:32.15] Nag-aabang sa sulok at may hawak na patalim [04:40.49] 'Di ka hahayaan na muli pang masaktan [04:48.42] 'Wag ka nang matakot sa dilim [04:52.86]