Parang may nagbubulong na isang makatang anghel Hindi ko alam ang gagawin sa susunod na kanta ko Parang wala kong maisip sa pang apat na CD ko Kahit medyo nalilito, sige, susubukan ko Uy, salamat nga pla sana hindi pirata to Alas-dos ng umaga ngayon ako'y nag-iisa Pang-anim, pito, o walo nang natapos na kanta Dito sa album na tatawagin kong Matrikula Alam kong magtatanong ka, kaya sasabihin ko na Hindi ito pambayad sa eskwela upang makapag-aral Ito'y pambayad sa buhay parang mabigat na bakal Na pasan-pasan kung tawagin natin ay pagsubok Parang bang nakaakda hanggang sa huling tuldok Mga tula na ang tawag ko ay sagot sa panalangin Ang salita'y "Alam ko na" kahit na 'di ko isipin Parang may nagbubulong na isang makatang anghel 'Yun nga lang, teka, naubusan na po ako ng papel