[00:01.53] Pwedeng asul, pwedeng itim, pwedeng pula, pwedeng iba [00:06.79] Ang mahalaga'y kung ano ang maiintindihan nila [00:12.89] Sila na siyang makikinig at kakabisado ng kanta [00:18.79] Ngayon, sabihin mo sa akin, pa'no mo ginamit ang tinta? [00:37.36] Nagsimula ang lahat nang aking mahawakan [00:40.76] Ang papel at panulat habang ako'y tinuturuan ni Nanay [00:44.03] Habang siya'y naglalaba ng damit sa poso [00:46.54] Paulit-ulit isinusulat at dapat diretso [00:49.64] Ang mga letra na parang petsa sa kalendaryo [00:52.22] Magbasa ng aklat, kung minsan nama'y komiks at diyaryo [00:55.27] Nang sa gayo'y mapalawak ang aking bokabularyo [00:58.38] At hindi imbento na parang gamot ng albularyo [01:01.30] Nag-aral, isa, dalawa, tatlong baitang sa elementarya [01:04.44] Natapos sa ika-anim ngunit walang medalyang nakasabit sa 'king leeg [01:08.80] Nang hindi sampagitang dala-dala ni Tatay [01:11.67] Pagkatapos niyang mamasada [01:13.47] Lumipas ang mga taon, sinubukang lumikha [01:16.57] Mga salitang magkatugma na ang tawag ay tula [01:19.58] Ngunit may nagsabi sa akin, "Ris, pag-naroon ka na [01:22.34] Sabihin mo sa akin kung pa'no mo ginamit ang tinta" [01:25.10] Pwedeng asul, pwedeng itim, pwedeng pula, pwedeng iba [01:30.83] Ang mahalaga'y kung ano ang maiintindihan nila [01:36.80] Sila na siyang makikinig at kakabisado ng kanta [01:43.02] Ngayon, sabihin mo sa akin, pa'no mo ginamit ang tinta? [02:01.23] Paggising mo sa umaga, maliligo ka sa banyo [02:04.24] Papasok ka sa eskuwela, manghihingi ka ng baon [02:07.44] Kung titingna'y wala kang pinagkaiba sa lahat [02:10.41] Ngunit sa iyong isipan ay may nabubuong alamat [02:13.36] Ng isang makatang laging titingalain ng lahat [02:16.29] Mga awit na ikaw lang ang may alam ng pamagat [02:19.16] Na balang araw ay sasambitin, awit mo'y kakantahin [02:22.79] Ng lahat ng batang tulad mo na may pangarap rin [02:25.87] Ngunit ngayo'y nagsisimula ka pa lang [02:28.65] 'Di mo hahayaang pigilan ang iyong bawat hakbang [02:31.38] Kahit na ito'y mabagal na parang nakasaklay [02:34.54] Ang mga pangarap mo ang siyang sandata mong taglay [02:37.52] Walang makakapigil, kahit minsan ay parang [02:40.62] Wala ka nang maayos na lupang pwedeng lakaran [02:43.38] Ngunit pagdating ng araw at naro'n ka na [02:46.77] Sabihin mo sa akin kung pa'no mo ginamit ang tinta [02:49.44] Pwedeng asul, pwedeng itim, pwedeng pula, pwedeng iba [02:54.96] Ang mahalaga'y kung ano ang maiintindihan nila [03:00.75] Sila na siyang makikinig at kakabisado ng kanta [03:06.84] Ngayon, sabihin mo sa akin, pa'no mo ginamit ang tinta? [03:26.50]