[00:09.36] Tulog na, anak, at bukas ay may umagang darating [00:15.91] Minamasdan kita habang tulog na parang isang bituin [00:23.37] Kahit pa iniwan tayo ng 'yong ina [00:29.64] Dahil ako'y mahirap, kaya't sumama sa iba [00:36.76] Ngayon, ika'y musmos pa lamang, tatlong taong gulang [00:43.56] Lahat ay gagawin, haharapin, mapag-aral ka lang [00:49.92] Upang maabot mo, buhay na pinapangarap ko [00:57.10] At iyong malisan, hirap na kinamulatan ko [01:04.13] Lumipas ang ilang taon, ako ay umalis [01:10.93] At sa malayong pook, ako ay nagtiis [01:18.07] Larawan mo ang laging hawak-hawak ko [01:24.82] Ano mang dusa, ito ay kakayanin ko [01:32.14] Ako ay nagbalik sa araw ng 'yong kaarawan [01:38.34] Malayo pa lamang, nakita ko na, ako'y kinabahan [01:45.04] Bakit maraming ilaw sa loob ng aming tahanan? [01:51.90] Ako ay lumuluha, mukha mo ay pinagmamasdan [01:59.10] Paalam na, aking anak, at sa gabing darating [02:05.69] Ako'y titingala at hahanapin ka sa mga bituin [02:12.56]