Tulog na, anak, at bukas ay may umagang darating Minamasdan kita habang tulog na parang isang bituin Kahit pa iniwan tayo ng 'yong ina Dahil ako'y mahirap, kaya't sumama sa iba Ngayon, ika'y musmos pa lamang, tatlong taong gulang Lahat ay gagawin, haharapin, mapag-aral ka lang Upang maabot mo, buhay na pinapangarap ko At iyong malisan, hirap na kinamulatan ko Lumipas ang ilang taon, ako ay umalis At sa malayong pook, ako ay nagtiis Larawan mo ang laging hawak-hawak ko Ano mang dusa, ito ay kakayanin ko Ako ay nagbalik sa araw ng 'yong kaarawan Malayo pa lamang, nakita ko na, ako'y kinabahan Bakit maraming ilaw sa loob ng aming tahanan? Ako ay lumuluha, mukha mo ay pinagmamasdan Paalam na, aking anak, at sa gabing darating Ako'y titingala at hahanapin ka sa mga bituin