作词 : Booths Oca 作曲 : Booths Oca Ako ay babalik, upang tuparin ang ating sinumpaang pag-ibig Na tayo’y mag-iisang dibdib Ipikit mo, iyong mga mata Panalangin ang mapayapang paglalakbay Tagumpay na uuwi sa iyong kamay Sa digmaan, ako’y walang tangan kundi ang pinangakong pagmamahalan Na nagtatakip sa akin sa kamatayan Sa aking harap, ang panganib Handang makipaglaban sa ngalan ng pag-ibig Hanggang matikman ang kanilang dugo sa aking bibig Sumikat at lumubog ang araw na hari Daan libong buhay ang aking binawi Pitong buwan tumigil ang pakikipaglaban Dumating na ang (araw/oras) na aking hinihintay Sa aking pagbalik, tila lahat matamlay, sa aking pagkagulat Ang aking sinta’y nabubulok sa hukay ipinikit ko, ang aking mga mata Dinadalangin na ito’y panaginip na nagbibiro sa aking pagdurusa