作词 : John Philip A. Condrillon 作曲 : John Philip A. Condrillon Nais kong sabihan ng mensaheng ito Nais kong iparating sa buong mundo Nais kong sabihan ang lahat Kumusta Nais kong sabihan ng mensaheng ito Nais kong iparating sa buong mundo Nais kong sabihan ang lahat Kumusta Kumusta ka na hip-hop ano na bang lagay mo Ano ng kalagayan ng mga kamay mo Pagod na kakabuhat, ubos na ang lakas O pagod na kakahila ng mga nasa taas Kay rami ng bunga na madaling nalaglag Binulungan ng konti nawalan ng tatag Kala siguro'y sapat na para magpausbong Sa sarili at mamunga ng mayabong Maari kang tumubo ngunit di kasing lago Ng punong nag-ugat na sa tikas ng pagtayo Likas na sa lahat ang maiingit, panibugho Ang dahilan kung bakit palubog ang laro Balaguong daw sa industriya, huli na sa karera Walang asenso kung palaging usapan ay pera Ilang taon ko na ba tong ginagawa alam mo ba Di ba yun mahalaga? Malamang isa ka sa mga Nais kong sabihan ng mensaheng ito Nais kong iparating sa buong mundo Nais kong sabihan ang lahat Kumusta Nais kong sabihan ng mensaheng ito Nais kong iparating sa buong mundo Nais kong sabihan ang lahat Kumusta Kumusta na mga makata sa Pinas, na likas Na matalas, matalino at matikas Mga bigkas na di kailangan ng bilangan pa Mga letrang walang humpay kahit biglaan pa walang bitaw sa mga rima, tunay tumalima Sa mga panuntunan at batas nitong kultura Gumalang sa nauna, kahit sa ibang kampo Matutong rumespesto, wag kang tarantado Maari ngang lamang ka sa talino at kakayahan Maari ngang mas kilala ka pa ng taong bayan Ngunit di mo kayang tanggapin itong katotohanang Wala namang hip-hop kung di nila sinimulan Walang bunga kung wala namang ugat Walang gusaling tatayo kung pundasyon hindi sapat Kaya para sa lahat ng malalaki ang ulo Wala ring matututo kung walang gurong nagturo Nais kong sabihan ng mensaheng ito Nais kong iparating sa buong mundo Nais kong sabihan ang lahat Kumusta Nais kong sabihan ng mensaheng ito Nais kong iparating sa buong mundo Nais kong sabihan ang lahat Kumusta Kumusta na sa mga old school rappers Kumusta na sa mga new school rappers Kumusta na sa mga kapatid ko Hip-hoppan sa buong mundo Kumusta na sa mga old school rappers Kumusta na sa mga new school rappers Kumusta na sa mga kapatid ko Hip-hoppan sa buong mundo Nais kong sabihan ng mensaheng ito Nais kong iparating sa buong mundo Nais kong sabihan ang lahat Kumusta Nais kong sabihan ng mensaheng ito Nais kong iparating sa buong mundo Nais kong sabihan ang lahat Kumusta