作词 : John Philip A. Condrillon 作曲 : John Philip A. Condrillon Laking Kabite, mula sa kalye ng molino Bayang Bacoor kung saan hinasa ang talino Nagpakabihasa sa pagpino, sino Pa man ang magsabi ay walang makakatibo Sa mga motibo na aking inilathala Galwang positibo nanatili sa talata Kahit gaano karumi mga galawan sa kultura Di ko hinayaang matabunan ng basura Di ko malilimot ang aking kinalagyan Pinagsimulan at ang aking pinanggalingan Dahil dito ko namulat sa pakikipag-kaibigan Dito ko nasulat simula ng kasaysayan Ni Jeff o ni John Philip Condrillon Sa iba ako'y si Flip, sa iba ako'y si Xyclone Ganun pa man kahit saan man ako mapunta Babalik pa rin kung saan ako nagmula I'm goin back Back to the streets Wag nating kalimutan kung saan nagmula Wag nating kalimutan kung saan tayo nagsimula I'm goin back Back to the streets Wag nating kalimutan kung saan nagmula Wag nating kalimutan kung saan tayo nagsimula Ang langsangan kaibigan guro kakampi Nakahandang magturo ng tama pati mali Nasa'yo na lamang kung saan ka gagawi Saan ang oo at saan ang hindi Mga kamay dahil sa kalyo at dumi ay makapal Patunay pamumuhay, hanapbuhay marangal Nakahandang banatin ang buto hanggang sukdulan Kahit kalye magulo hindi mo susukuan Habang buhay may pag-asa, kahit puro pasa na Di pwedeng magpasasa o maburo sa kama Bumangon ka't sumama sa rumaragasa Matuling mga byahe na handa na sumagasa Anumang nakaharang matarik man o malalim Handa na akyatin, handa na languyin Tandaan mo lamang kung saan man napunta Babalik pa rin kung saan tayo nagmula I'm goin back Back to the streets Wag nating kalimutan kung saan nagmula Wag nating kalimutan kung saan tayo nagsimula I'm goin back Back to the streets Wag nating kalimutan kung saan nagmula Wag nating kalimutan kung saan tayo nagsimula Kung kinakailangan mong mamulot ng basura, magtulak ng kariton Maglakad sa kahabaan ng kalsada sa maghapon Di iniinda anumang tirik ng araw Hanggang dyan lang ba ang kaya mo, lagi mong sigaw Lilipad sa alapaap, aabutin ang pangarap Walang salitang mahirap, kapagka nagsumikap Basta wag kalilimutang lumingon Bago mo pa tanawin ang nasa dako paroon Entabladong tinapakan ng mga paang pagod Palakpakan ng lahat ng mga taong nanuod Daan-daan man o isa lang yan walang pinag-iba Handa kong ibalik ang saki'y binigay nila Ang di marunong lumingon sa kanyang pinagmulan Ay di mararating ang kanyang nais puntahan Kahit saan pa makaapak ang aking mga paa Babalik pa rin kung saan ako nagsimula I'm goin back Back to the streets Wag nating kalimutan kung saan nagmula Wag nating kalimutan kung saan tayo nagsimula I'm goin back Back to the streets Wag nating kalimutan kung saan nagmula Wag nating kalimutan kung saan tayo nagsimula