作词 : John Philip A. Condrillon 作曲 : John Philip A. Condrillon Ika-sampu ng Nobyembre, alas-sais bente Ng umaga ng taong dos-mil-onse Mula sa opisina mabilisang umuwi Bumyahe ng alas-kwatro y medya baka sakaling Maabutan marinig ang una mong pag-iyak Habang ang malamig na pawis ay tumatagaktak Ayokong umupo di makali pabalik-balik Aking paglakad sa nakakabinging pagkatahimik Ng sabihin ni doktorang pwede na kayong makita Dali dali na pumasok habang puso'y sumisipa Aking baga ay lalo tuloy kapos sa paghinga Habang aking munting anghel tahimik na nakahiga Parang alam mo ng andito ako, kahit na di pa Nga nakakakita sakin ay nakangiti ka Unang sulyap ko pa lang sayo aking panata Sumpa, pangako, ikaw ay habang buhay na ang Aking munting prinsesa, nagbibigay ngiti Sa tuwing ika'y kasama sa bawat sandali Aking munting prinsesa, at sa'yong tabi Ako'y mananatili hanggang sa huli Handa kong magtrabaho kahit hanggang tumanda Buto'y babanatin hanggang mapagtapos kita Kahit mabali ang likod kakayod ayos lang Ihahatid ka sa tuktok kahit pasan at pagapang Ang nais ko'y magkaroon ka ng wala ako Makamtan mo ang lahat ng mga ninanais mo Materyal man o hindi handa ko na pagsumikapan Ng ang lahat ng hilingin mo ay yong mahawakan Aakyat sa entablado hawak-hawak ang piraso Ng nirolyo na papel na merong nakataling laso Pumatak man ang luha yun ay dahil nagawa Mong makuha mga bagay na sakin ay wala Oras, pawis at dugo, handa kong ibigay Walang pagdadalawang-isip kahit buhay iaalay Matupad ko lamang ang lahat ng aking panata Sumpa, pangako, ikaw ay habang buhay na ang Aking munting prinsesa, nagbibigay ngiti Sa tuwing ika'y kasama sa bawat sandali Aking munting prinsesa, at sa'yong tabi Ako'y mananatili hanggang sa huli Kahit ako ang hari ay magsisilbi mong kawal Nakatayo sa'yong tabi, gamitin mong balabal Sa panahon ng tag-lamig kasama ng kape Sasamahan kang mag-aral magdamag kapag gabi Sa mundong mapangmata laging nakamatyag Kapag merong mangungutya ako ang kalasag Na sasalag sa mga bungangang ayaw magsipag-tahimik Ako ang kakampi at kaibigan mong matalik Pabalik kong sisipain ang lahat ng ulupong Susubukan kang saktan uuwi ng pagulong Sabihin mo sa akin ang lahat akong bahala Kahit mahirap, aabutin ang mga tala Anumang pangarapin mo, ako'y nakaagapay Nakasalo aking kamay kapag ika'y nangalay Pamatay na mga linya ba, ito'y aking panata Sumpa, pangako, ikaw ay habang buhay na ang Aking munting prinsesa, nagbibigay ngiti Sa tuwing ika'y kasama sa bawat sandali Aking munting prinsesa, at sa'yong tabi Ako'y mananatili hanggang sa huli