作词 : John Philip A. Condrillon 作曲 : John Philip A. Condrillon Ayusin ang sarili mo unahan ang tilaok Bantayan pagkat marami ang bulaan sa pinasok Mong paaralan, payabangan, paandaran ang tema Parabagang kalaban ang lahat ng nasa eskwela Kwela-kwela di mawawala ngunit ang kasabay Nito'y mga bagito'y kinakain ng buhay Pinilit gumuhit na pahirapang makatapos Sumingit, pumunit harap-harapang nilamukos Hinilamos ang sarili kong laway pati na luha Hinalo ang takot sa away, mga di nakuhang marka Asignaturang palya, nakalimutang takda Nakaalpas sa aking unang balya Pilit kang magtino, ngunit ang katotohanan Mga utak baliko't maraming kupal sa daanan Anong karanasan ay ang mainam na guro Pakinggan ang mundo marami yang maituturo Ako'y mag-aaral ng eksena, estudyante ng laro Ngayon pumili ka anong sandata mo Mga lata ng pintura, pag-indak ba sa bayo Kahon-kahon na plaka o mikropono Ako'y mag-aaral ng eksena, estudyante ng laro Ngayon pumili ka anong sandata mo Mga lata ng pintura, pag-indak ba sa bayo Kahon-kahon na plaka o mikropono Pumapasok, lumalaban na ang ating dala Papel at panulat na paubos na ang tinta Sinita ka sa pintuan kasi di ka kilala Rehistradong estudyante pamukha sa kanila Kahit na sinong ignorante di nakakaalam Mga inggrato't aroganteng ulo ay kumakalam Hangin lamang ang laman sa loob ng mga bungo Lumulobong mga ulong di na makatungo Payukod mang maglakad ay di nangangahulugan Ako'y magiging talunan, handang makipagtulungan Pisikalan sa bulungan hindi ka sunud-sunuran Kung magkakadurugan alamin ang kahulugan Ano ang pinag-aralan? Basahin ang panuto Kahit tinatakalan asamin mo ang matuto Sumaludo sa mga nakahanda sa'yong magturo Respeto kailangan upang makaabot sa dulo Ako'y mag-aaral ng eksena, estudyante ng laro Ngayon pumili ka anong sandata mo Mga lata ng pintura, pag-indak ba sa bayo Kahon-kahon na plaka o mikropono Ako'y mag-aaral ng eksena, estudyante ng laro Ngayon pumili ka anong sandata mo Mga lata ng pintura, pag-indak ba sa bayo Kahon-kahon na plaka o mikropono Sadyang ganyan ba sa eskwela Kung sino pang nag-iisip ay sya pang madalas Gawing tapunan ng pakwela, patuloy ang paghanga Na nilamon ng sistema Nakakawang pagmasdan ang mga estudyante mong tinatawanan ng iba dahil sa pagkaradikal nila Pag-iisip na madalas iba sa mundo Para saan pang mga utak sa loob netong bungo Magpabibo ka't pumorma ka lang ng nakakasilaw Ibigay mo lang palagi kanilang sinisigaw Humiyaw ka lang dyan kahit walang katuturan Maingay talaga ang lata pag wala itong laman Di bale ng maging paksa ng lahat ng panunukso Basta't alam kong ang ginagawa ko ay ang gusto ko Mga pundasyon na kinakatawan ko Ay hindi pababayaan na pagtawanan ninyo Ako'y mag-aaral ng eksena, estudyante ng laro Ngayon pumili ka anong sandata mo Mga lata ng pintura, pag-indak ba sa bayo Kahon-kahon na plaka o mikropono Ako'y mag-aaral ng eksena, estudyante ng laro Ngayon pumili ka anong sandata mo Mga lata ng pintura, pag-indak ba sa bayo Kahon-kahon na plaka o mikropono Ako'y mag-aaral ng eksena, estudyante ng laro Ngayon pumili ka anong sandata mo Mga lata ng pintura, pag-indak ba sa bayo Kahon-kahon na plaka o mikropono Ako'y mag-aaral ng eksena, estudyante ng laro Ngayon pumili ka anong sandata mo Mga lata ng pintura, pag-indak ba sa bayo Kahon-kahon na plaka o mikropono Ng mga walang kwenta