作词 : John Philip A. Condrillon 作曲 : John Philip A. Condrillon Apir! malakas, kampay sa taas salubungin ang biyaya at ang basbas Ng panginoon, kaya sa ngayon ating ituon Ang atensyon sa destinasyon Apir! malakas, kampay sa taas salubungin ang biyaya at ang basbas Ng panginoon, kaya sa ngayon ating ituon Ang atensyon sa destinasyon Apir kaibigan anong bago sayo Bihi-bihira ka na lang na umalis sa inyo Bali-balita pa nga ng mga dilang matatabil Sa sariling buhay mo ikaw na mismo kikitil Lugmok kang madalas, mukmok ang panlabas Mga imaheng hindi tama sa tuktok ay ilabas Ayokong sabihing naiintindihan kita Pero kita ko pa rin na meron kang dinadala Bumubulong ka ba palagi kasabay ng pag-ihip ng hangin At binabagabag ng masamang panaginip, ang aking Maipapayo, wag dungawin sa malayo Madalas ang sagot wala sa kabilang ibayo Palagi ka bang mag-isa at nakatungo Kung maglakad naman ay madalas kang nakayuko Tumingin ng diretso at iangat ang noo Itaas mo ang kamay pagkasalubong ako Apir! malakas, kampay sa taas salubungin ang biyaya at ang basbas Ng panginoon, kaya sa ngayon ating ituon Ang atensyon sa destinasyon Apir! malakas, kampay sa taas salubungin ang biyaya at ang basbas Ng panginoon, kaya sa ngayon ating ituon Ang atensyon sa destinasyon Kay raming tinig sa paligid, ikinukulong kang pilit Ipinapahiwatig apat na sulok ng silid mo ay Sarili mong mundo, walang tutulong sayo Sa dilim nito'y walang makakakita sayo Dumilat ka kapatid, at ikaw ay magmasid Maraming tulad namin ang handa na makapaghatid Kahit napapaligiran ng utak na makikitid Kahit gaano kalalim kami'y nakahandang sumisid Upang sagipin ka, hawakan mo aking kamay Gamitin mo ang tinig ko upang maging gabay Itatayo kita't ako ang yong magiging alalay Kahit na pipilay-pilay ako magiging saklay Di ka na mag-iisa kaya wag kang yumuko Kapag naglalakad ay wag na wag ng nakatungo Tumingin ka ng diretso at iangat ang noo Itaas mo ang kamay sa mga kasalubong mo Apir! malakas, kampay sa taas salubungin ang biyaya at ang basbas Ng panginoon, kaya sa ngayon ating ituon Ang atensyon sa destinasyon Apir! malakas, kampay sa taas salubungin ang biyaya at ang basbas Ng panginoon, kaya sa ngayon ating ituon Ang atensyon sa destinasyon Wag nyo sana tong masamain at ayokong iparating Na sa lahat ng to akong pinakamagaling Parehas lamang tayo na merong dinaraanan Iisa lang tayo ng kalsadang lalakaran Putik na natapakan nyo, tatapakan ko rin Lubak na natisod nyo ay matitisod ko rin Alam ko lang kasi kung paano ang mag-isa Kaya hangga't maaari ay sasamahan kita Bawat kilos at galaw ko ay puno ng kaba Pagdududa sa sariling kakayanin ko ba Isang hakbang paabante, sampung hakbang pabalik Di naman malululain ngunit takot pumanhik Lagi din akong mag-isa at nakatungo Pag naglakad ay madalas din akong nakayuko Pinilit kong tumingala at iangat ang noo Itataas ko ang kamay ko para sa buong mundo Apir! malakas, kampay sa taas salubungin ang biyaya at ang basbas Ng panginoon, kaya sa ngayon ating ituon Ang atensyon sa destinasyon Apir! malakas, kampay sa taas salubungin ang biyaya at ang basbas Ng panginoon, kaya sa ngayon ating ituon Ang atensyon sa destinasyon Apir! malakas, kampay sa taas salubungin ang biyaya at ang basbas Ng panginoon, kaya sa ngayon ating ituon Ang atensyon sa destinasyon Apir! malakas, kampay sa taas salubungin ang biyaya at ang basbas Ng panginoon, kaya sa ngayon ating ituon Ang atensyon sa destinasyon