作词 : John Philip A. Condrillon 作曲 : John Philip A. Condrillon Gawin natin tong mabagal relax lang at kalmado Kahit ang nilalaman ay iiwanan kang baldado Eskwalado to na parang lisensyadong arkitekto Mga linyang diniretso sa sentido ang epekto Elementong hinawakan sa mikroponong dala Sinimento ang daanan naniguro kumbaga Walang bakabaka-sakali o pagdadalawang-isip Hindi maitutumba kahit na lumakas ang ihip Ang disenyo pinulido gamit ko primera klaseng Mga materyales di sa hula binabase Inhinyerong nanigurong ito'y pag inatake Dismayadong aalis mga ungas at putapeteng Naglakas-loob harangan ang aking daraanan Pasensyahan na lang tayo iiwanan kang basahan Pupulutin sa kangkungan, tandaan nyo laging Di magandang ideya makipagbanggaan sa buhawi Marami ang nagtatanong gustong malaman ang sagot Ngunit ang utak may kakulangan hindi makaabot Tanong ay Sino ka ba? Sino ako? Sino ka ba? Ako si Xyclone! Marami ang nagtataka mga pusong binabagabag Mga isip na namamangha't di maipaliwanag Teka Sino ka ba? Sino ako? Sino ka ba? Ako si Xyclone! Kasado na mga kargada, sasabak na sa gyera Kahit walang hinete lalamunin ang karera Magisip-isip na muna bago makipag-sagupa Wag tanga, hintayin munang ang bagyo ay humupa It's 20-19 na may istilong makaluma Bumabayong handog ngayon sinong gustong mauna Mga nanghimasok hindi makakalabas Dito sa mundo ko ako ang hari at batas Maaning sa paglabas ng mga sandatang pantibag Damahin mo ang lakas ng mga talatang nalimbag Lahat ng kaalyado, walang makaka-buwag Anak ni Darmo Kandado mula sa Kampo ng Bulag Mga palalo, silang kulang sa palo at umbag Mga barang panapos sa mga hunyango at duwag Pupulutin sa kangkungan, tandaan nyo laging Di magandang ideya makipagbanggaan sa buhawi Marami ang nagtatanong gustong malaman ang sagot Ngunit ang utak may kakulangan hindi makaabot Tanong ay Sino ka ba? Sino ako? Sino ka ba? Ako si Xyclone! Marami ang nagtataka mga pusong binabagabag Mga isip na namamangha't di maipaliwanag Teka Sino ka ba? Sino ako? Sino ka ba? Ako si Xyclone! Marami ang nagtatanong gustong malaman ang sagot Ngunit ang utak may kakulangan hindi makaabot Tanong ay Sino ka ba? Sino ako? Sino ka ba? Ako si Xyclone! Marami ang nagtataka mga pusong binabagabag Mga isip na namamangha't di maipaliwanag Teka Sino ka ba? Sino ako? Sino ka ba? Ako si Xyclone!