作词 : Daryl Cielo 作曲 : Daryl Cielo Ilang araw na kong nalilito Wisyo ko'y nagkabuhol-buhol na sa kakaisip sayo Tanda ko nung makita ka nung isang linggo Mundo ko'y nag-slow mo Di bale, bukas, makalawa mawawala rin 'to O, kapag nakikita ka'y lumalayo Puso ko'y 'di mapakali't biglang natutuliro Sa isang marikit na ala-alang bumabalik Bakit ‘di ko magawang limutin ka Mag-mu-move on na lang ako Bukas, makalawa Ilang buwan na rin nung huling nagkasama Pero matanaw ka lang, sa tiyan ko may kumukurot na I-de-delete na ba ung number mo na ilang taon ko nang kabisa Kaya lang baka sakaling bukas, makalawa ay mapatawag ka Sa bawat hinaing nitong damdamin Ako'y bumabalik Sa ating nakaraan na tila Panaganip na ‘di na yata Ako makakawala 'Wag naman sana O, kapag nakikita ka'y lumalayo Puso ko'y 'di mapakali't biglang natutuliro Sa isang marikit na ala-alang bumabalik Bakit ‘di ko magawang limutin ka Mag-mu-move on na lang ako Bukas, makalawa Bukas, makalawa ikaw naman ang maghahabol sa’kin Bukas, makalawa ako naman ang mang-aagaw pansin Ang lahat ng 'to ay sa bato itataga Ang kaso lang baka Ang bukas, makalawa Abutin pa ng ilang dekada 'Wag naman sana Ad Lib Sa isang marikit na ala-alang bumabalik Bakit ‘di ko magawang limutin ka ‘Di na pwedeng ganito Kailangan ko na maka-move on na Pramis bukas, makalawa Meron na kong iba (Pero kapag nakikita siya'y lumalayo) Bukas, makalawa (Pero kapag nakikita siya'y lumalayo) Meron na kong iba (Pero kapag nakikita siya'y lumalayo) Yeah, yeah, yeah (Pero kapag nakikita siya'y lumalayo) Oh lumalayo, lumalayo, lumalayo (Pero kapag nakikita siya'y lumalayo)