Ikaw pare bakit ka ba ganyan 'Di na inisip ang kinabukasan Sayang lang ang hirap ng iyong mga magulang Walang pag-asa ang tulad mong batugan Sa umaga ang bigat ng katawan Mabilis lamang pagdating sa kainan Umaasa lamang sa mga magulang At kung sa hapon siya'y nasa lansangan Ikaw pare ba't 'di ka pa magbago Kung 'di mo kaya lumayas ka sa mundo Bawat isa sa atin mayro'ng mga gawain Hoy batugan kumayod ka nang husto Humanap ng trabaho Kumayod ka nang husto