作词 : Up Dharma Down 作曲 : Up Dharma Down [Verse 1] Sa hindi inaasahang Pagtatagpo ng mga mundo May minsan lang na nagdugtong Damang-dama na ang ugong nito [Verse 2] 'Di pa ba sapat ang sakit at lahat Na hinding-hindi ko ipararanas sa 'yo Ibinubunyag ka ng iyong mata Sumisigaw na pagsinta [Hook] Ba't di pa patulan Ang pagsuyong nagkulang Tayong umaasang Hilaga't kanluran Ikaw ang hantungan At bilang kanlungan mo Ako ang sasagip sa 'yo [Verse 3] Saan nga ba patungo Nakayapak at nahihiwagaan Ang bagyo ng tadhana ay Dinadala ako sa init ng bisig mo [Hook] Ba't di pa sabihin Ang hindi mo maamin Ipauubaya na lang ba 'to sa hangin 'Wag mong ikatakot Ang bulong ng damdamin mo Naririto ako't nakikinig sa 'yo Oh hoh, oh hoh Hoh [Hook] Ba't di pa patulan Ang pagsuyong nagkulang Tayong umaasang Hilaga't kanluran Ikaw ang hantungan At bilang kanlungan mo Ako ang sasagip sa 'yo [Outro] Ako ang sasagip sa 'yo