Isang gabi naisip kong pumunta Sa kakaibang bakasyon Kung saan pedeng paganahin Palawakin ang aking sarili na imahinasyon Kung kayat akoy naghanap at naghikayat Ng kasalo sa pag akyat, Sama ko sa pagbagsak Sa lahat ng tama na matatanggap Sumakay kami sa tigidig dikit na dahon Na merong halong mahika Dumaan sa malalaking alon Subalit nakaahon parin ang makina Nasakin na wag hanapin pa, ang bagay na sumisiklab Tayo ay malapit na kaya kumapit ka Sapagkat ang pag angat natin ay kaseng tulin ng kidlat Sa isang iglap nakarating sa tabi ng kislap Iba ang dating ng dala nyang ningning At nakakapraning ang kanyang pagkindat Merong bigat Na dahan dahan ng gumagapang sa katawan Napag isipan magpatangay sa agos Tapos akoy gumaan, kakaibang pakiramdam Ang naranasan ko sa itaas Akoy parang tinodo na lobo sa langit Tuluyan na lamang ako lumabas, Ngunit nagkulang sa hangin kaya kinakailangan Ko narin na kumalas, Pagbaba ko sa langit Pede nyo nako tawagin na malakas Tara na sumama ka samin sa kalawakan At lakarin natin ang buwan, abutin ang mga tala Na parang mga dyamante lang, sukatin natin ang langit At sa mga pangarap natin na mahawakan na Di bale na walang hangin, huminga malalim Hanggang sa makaahon ka, lagpas alapaap na Halata sa mga mata may amat na Wala nanaman lutang kapa, dahan dahang Bumababa mula sa alapaap, sa lupa nakaapak na Bahala na si Bathala, kahit saan pa tayo mapunta Napapatulala utak ko ata nasa ulap pa Pede mo bako samahan, Tara balikan natin Baka may nalimutan ka ahhh... Sige pare kulang pa Sindihan mo pare para makalutang na Tas ipasa mo sa kaliwa mo yung ganja Hanggang sa makasama lahat sa isang kanta ahh... Nagsama sama nalimutan na drama sa kakatawa Naupo sa halaman na nagbabaga Magulo sa mundo di sa kalawakan, bababa baka Mamaya pag nasa rurok pa kami ng aming amat Nakatutok pa sa mga pangarap Maging talunan baka di naman sa kalawakan Pag gusto walang haharang, Mabunggot masagasaan Madugo man ang daanan patungo sa kalawakan Hahawakan at babasahin babalasahin para Mapasakin ang mga gusto, Aking tatahakin Matiyaga kong hahanapin lahat ng para sakin at sa iyo. Kaya kapit sabit wag ka ng magtatanong Kung bakit para di malumbay sumabay Sumakay ka nalang sa aming raket Maglalakbay kung saan marameng tao ang lilitaw Kung ganito kasarap ang byahe para tumagal Mas gusto ko pang maligaw, Ang bus lumitaw Merong sumigaw hoy wag ka ng bumitaw Mapula na paningin bigla na lamang dumilaw Baka pwede patingin kung palutang ko man ang galaw Ikaw sila tayong lahat sabay sabay sa pag angat Kahit walang gabay paglalakbay parin natin sapat Palawakin hawak natin ang mga balak natin At ang pangarap pag nahanap wag wawasakin Lipad patuloy lang ang lipad, Sumama ka halika Para ating makita ang buong kalawakan Paganahin paganahin utak mabigat Baka puno na ng hangin, alanganin manalangin Puso nabiyak, di naman kaya ay kulang kasa hangin Kilalanin sariwain medyo bumabagal ang galawan Lumabas sa alanganin ahh... Naibaling suliranin Ulyanin rin ba ang tawag sa kanya, wag palpak Gumabay sumabay ka lang sa alon Palima o sa isa kaya wag ka ng magtaka Kung meron pang hahamon, delikadong mga takteka Sinasabi ko sayo na maghanda ka na parang Sa sabong siguradong malalamon ka Kabadong pagong baka mapagod sa pakikipaghabulan At sa sarili mo ay pilit na pinapasan ang yung Inaasam, buhay na walang hanggan na baka Pwede moko pagbigyan baka sakali lang Paganahin paganahin utak magaang, humakbang Baka malunod kasa lalim, kalabanin payamanin Ang yaman ng ama na di inaalintana ang talim Pangarap kong magbakasyon sa malawak na ilog O dagat maglilimayon ang balak Ang sarap palang maging hanging habagat Wawasak sa mga pangarap ng mga nagpapanggap Lakas bumanat nakatarak ang patalim Nakaapak sa basag na salamin ang mga batang Magkasinggutom bagkus di magkasing uhaw Ang tanong ay bat sila lulong, sistemang di makagalaw Kaya naman ang paganahin paganahin Utak ay payapa baka walang sugapa Kaliwa ang pasa, masayahin basta sakin Bukas ay sagana pwera sa konting hangin sa umaga. INSTRUMENTAL...