|
Nilibot na ang buong mundo |
|
Di pa rin ako nakukuntento |
|
Makakahanap ng ipapalit |
|
Nang walang babala |
|
Lumipas ay nagbabalik pala |
|
Nalilito na ako hindi na dapat gan'to |
|
Nakaraan ay natapos at napagdaanan na |
|
Bakit na sisindak pa sa t'wing naaalala |
|
Matatauhan na wala ka na pala |
|
Ako sila'y nandito na |
|
Ikaw na lang ang kulang |
|
Anong lunod o lalim ba't 'di na lang lumutang |
|
Anong pait ang matamis at aking susubukan |
|
Anong silbi ng narito |
|
'Di mo na kailangan |
|
Hindi nga nagtagal ang pagpapanggap na 'to |
|
Kaliwa at kanan harap at likod ano mang anggulo |
|
Titigan ay bumibigay ako |
|
Damdamin ay kay bigat |
|
Naisip na ang lahat |
|
Wala na ba talaga akong magagawa pa |
|
Ako sila'y nandito na |
|
Ikaw na lang ang kulang |
|
Anong lunod o lalim ba't 'di na lang lumutang |
|
Anong tamis ang mapait at aking iiwasan |
|
Walang silbi ang narito |
|
'Di mo na kailangan |
|
Wala na bang makakapantay at di na ba dapat pang maghintay |
|
Ako lang ba ang nagkasala? |
|
Kumakapit sa natitirang sana. |
|
Kung babalik ka pa hanggang kailan kaya? |
|
Ako dito mag aabang na magdutong na ang patlang |
|
Ang kulang ay mapupunan wala nang makahahadlang |
|
Wala na yatang hihigit sa pangungulila ko |
|
Iba na bang nagbibigay ng mga kailangan mo? |
|
Oh sana |
|
Kay higpit ng kapit sa unan kagabi ko |
|
Oh sana |
|
Inaasam muling makatabi at mahalik sana |