|
Aabangan na nila ang aking lirisismo |
|
Bababa mula sa langit na parang si Kristo |
|
Kakayanin ba nila ang mga kritisismo |
|
Darating mula sa isang lirikong obispo |
|
Heto ang sagot sa mga nagtatanong |
|
Gagawin na ang lahat 'wag lang tayo paurong |
|
Hahabulin ang karera sa mundo ng ulupong |
|
Itaya niyo na sa akin ang lahat basta ganon |
|
Lalamunin ng buhay ang mga letra sa libro |
|
Mamaya na huminga mabubulunan lang kayo |
|
Napasubo sa mga konseptong ganito |
|
Nganga na naman kayo, 'wag kayong malilito |
|
Mga obra ng maestro gamit ang pagsalita |
|
Pagkatapos umaagos dumadaloy sa tinta |
|
Ratsada na mga kasamang bwitre at daga |
|
Sama-samang tatalunin ang mga bu-u-waya |
|
Aba aba kada banat ng mga bara |
|
Lumalabas ang letra |
|
Aba kada bitaw nakalapag lahat sa mesa |
|
Tinulak ng serbesa |
|
Mula uno hanggang umabot na sa may sisenta |
|
Aba aba kada kumpas ako'y makata |
|
Aba kada talata |
|
Aba sa kada sulat magmula sa pagkabata |
|
Hindi namamayapa |
|
Sinabi ko na yata |
|
Aba kada sigaw ng tinubuan kong panata |
|
Abakada |
|
Abakada |
|
Abakada |
|
Aalisin natin ang akala ng iba |
|
Babasagin ng Bathala ang balakid sa mata |
|
Kalayaan ang sigaw ng aking kataga |
|
Dadalhin kayo sa ilaw, walang mangangapa |
|
Eeeh bakit ba ganon nasanay tayo sa dilim |
|
Ganyan tayo magaling, hatakan pailalim |
|
Hanggang lahat na tayo ay napa-pa-pa-praning |
|
Iniiwas ang tingin sa mga pa-pa-pating |
|
Lalangoy sa tulin, aahunin ko lahat |
|
Mamasilyahin ang lamat ng kagat sa balat |
|
Nasa akin ang kidlat |
|
Ngayon umaangat |
|
Oras nang ilabas ang kontrabida kong ganap |
|
Para para pare paki-preno pwede please? |
|
Ratratan na mga kasamang ipis at galis |
|
Sasabugan ng mga barang walang tapon at panis |
|
Talata ko'y unos wagas sa yaman at tamis |
|
Abakada |
|
Abakada |
|
Abakada |
|
Aba aba kada banat ng mga bara |
|
Lumalabas ang letra |
|
Abakada bitaw nakalapag lahat sa mesa |
|
Tinulak ng serbesa |
|
Mula uno hanggang umabot na sa may sisenta |
|
Aba aba kada kumpas ako'y makata |
|
Aba kada talata |
|
Aba sa kada sulat magmula sa pagkabata |
|
Hindi namamayapa |
|
Sinabi ko na yata |
|
Aba kada sigaw ng tinubuan kong panata |
|
Yayakapin ang sariling pluma at papel |
|
Wagayway nitong watawat na walang dumiskarel |
|
Umaasa sa anghel, buhatin tayo't lumipad |
|
Tatahakin natin ang bundok ng pag-unlad |
|
Sama-sama sa ginhawa, kapit-kapit sa sakit |
|
Raranasan ang paghirap kung ginto ang kapalit |
|
Papasukin ang pahamak, maiitim na balak |
|
Oo lang ng oo, sige sabak lang ng sabak |
|
Ngayon ang pagkakataon, wala nang papalag |
|
Nalagpasan na ang kahapon at ang kamandag |
|
Mamalasin ang mga mistulang ahas gumalaw |
|
Lalamunin ko ang araw, sabay utak ang sabaw |
|
Iikutan ang planeta ng mga letrang 'kong anak |
|
Hahatakin ang mga pwersang nakaukit sa aklat |
|
Gagamitan ng lakas lagpas sa kulay ng balat |
|
Eentradang may dalang katas ng bayan kong angat |
|
Aba aba kada banat ng mga bara |
|
Lumalabas ang letra |
|
Abakada bitaw nakalapag lahat sa mesa |
|
Tinulak ng serbesa |
|
Mula uno hanggang umabot na sa may sisenta |
|
Aba aba kada kumpas ako'y makata |
|
Aba kada talata |
|
Aba sa kada sulat magmula sa pagkabata |
|
Hindi namamayapa |
|
Sinabi ko na yata |
|
Aba kada sigaw ng tinubuan kong panata |
|
Abakada |
|
Abakada |
|
Abakada |
|
Abakada |
|
Abakada |
|
Abakada |
|
Abakada |
|
Abakada |