|
minsan sa may kalayaan tayo'y nagkatagpuan |
|
may mga sariling gimik at kaya-kanyang hangad sa buhay |
|
sa ilalim ng iisang bubong |
|
mga sekretong ibinubulong |
|
kahit na anong mangyari |
|
kahit na saan ka man patungo |
|
chorus |
|
ngunit ngayon kay bilis maglaho ng kahapon |
|
sana'y huwag kalimutan ang ating mga pinagsamahan |
|
at kung sakaling gipitin ay laging iisipin |
|
na minsan tayo ay naging |
|
tunay na magkaibigan |
|
minsan ay parang wala nang bukas sa buhay natin |
|
inuman sa magdamag na para bang tayo'y mauubusan |
|
sa ilalim ng bilog na buwan |
|
mga tiyan nati'y walang laman |
|
ngunit kahit na walang pera |
|
ang bawat gabi'y anong saya |
|
repeat chorus |
|
minsan ay hindi ko na alam ang nangyayari |
|
kahit na anong gawin |
|
lahat ng bagay ay merong hangganan |
|
dahil ngayon tayo ay nilimot ng kahapon |
|
di na mapipilitang buhayin ang ating pinagsamahan |
|
ngunit kung sakaling mapadaan baka |
|
ikaw ay aking tawagan |
|
dahil minsan tayo ay naging |
|
tunay na magkaibigan |