| 歌曲 | Papag |
| 歌手 | KOLATERAL |
| 歌手 | Calix |
| 专辑 | Kolateral |
| Aking pamilya nagsisik-sikan | |
| Sa parisukat na papag aming tahanan | |
| Mga balat nagkiskisan makahabol manlang ng konting idlip | |
| Para sa bukas na kami ay magsisikap | |
| Kahit mahirap basta may sipag | |
| Saktong pantawid hindi humilab mga tiyang kumakalam | |
| Nakakawala ng diwa | |
| Ang syudad na may kuko | |
| Kumakaskas sa tulad naming lagi nang nakayuko | |
| Pero kahit ganun paman ginagapang parin namin ito | |
| Kahit na napapako kami sa krus ng mga pangako | |
| Yung tatay kong nagkamali pilit na nag babago | |
| Ang penitensya nagpapadyak kahit sunog na ang batok | |
| Hindi magara ang suot hindi mabango | |
| Pero lima kaming napapakin nya sa kakarampot | |
| Mumunting kakanin di manlang namin matikman | |
| Agad na sisingilin pagka't rekado nito ay utang | |
| Si ate at si kuya ay tumigil mag laro | |
| Kapalit ng barya ang katawan nilalaro | |
| Sa umaga uuwi nakangiti ito may kita | |
| Kala nila na hindi ko pansin mga luha at mga pasa | |
| Si nanay problemado di madaan sa paglaba | |
| Mas mahal pa ang sabon ng amo kesa sa kanya | |
| Sugatan na mga palad namumula sa hapdi | |
| Inang walang katulad pinalit lamang sa washing machine | |
| Kahit ganun pa man ginagapang parin namin ito | |

| Parisukat na papag oh aming tahanan | |

| Isang gabing tahimik tila ba himala | |
| Lahat kami ay nasa bahay salo-salo sa hapunan | |
| Minsan lang mangyari 'to mahimbang ba ang tulog ko | |
| Mga ngiting hindi pag-papalit sa kahit na ano | |
| Mga pulis na naka-maskara | |
| Pumasok sa aming tahanan at kami ay tinutukan | |
| Pinaluhod at binantaan na papatayin | |
| Kapag kami ay nag ingay o pag kami'y hindi umamin | |
| Pangalan ng tatay ko'y binanggit sabay tanong | |
| Adik ka ba adik ka ba adik ka nga (hindi hindi wag po) | |
| Pilit nilang paratang | |
| Sa tatay kong pagod pumapadyak na lamang | |
| Para kami ay itaguyod kahit na gumagapang | |
| Sunog ang batok sa maghapon iyon ba'y kasalanan | |
| Mali na ba na humiling ng aming kalayaan | |
| Sa araw-araw na pagkakulong sa kahirapan | |
| Tila ba bumagal ang lahat | |
| Pinapanood ko si itay na dahan dahang bumagsak | |
| At pag-lapag pula ang ala-alang pininta | |
| Nang kanyang dugo sa parisukat na papag aming tahanan | |
| Sabi ng pulis linis nyo yan | |
| Agad siyang umalis | |
| Mga matang nakatitig lang sa numero | |
| Mga matang hindi kami tinuring bilang tao | |
| Pula parin ang papag kung saan siya namatay | |
| Pulang mantsa na alala ng aking itay |
| Aking pamilya nagsisik-sikan | |
| Sa parisukat na papag aming tahanan | |
| Mga balat nagkiskisan makahabol manlang ng konting idlip | |
| Para sa bukas na kami ay magsisikap | |
| Kahit mahirap basta may sipag | |
| Saktong pantawid hindi humilab mga tiyang kumakalam | |
| Nakakawala ng diwa | |
| Ang syudad na may kuko | |
| Kumakaskas sa tulad naming lagi nang nakayuko | |
| Pero kahit ganun paman ginagapang parin namin ito | |
| Kahit na napapako kami sa krus ng mga pangako | |
| Yung tatay kong nagkamali pilit na nag babago | |
| Ang penitensya nagpapadyak kahit sunog na ang batok | |
| Hindi magara ang suot hindi mabango | |
| Pero lima kaming napapakin nya sa kakarampot | |
| Mumunting kakanin di manlang namin matikman | |
| Agad na sisingilin pagka' t rekado nito ay utang | |
| Si ate at si kuya ay tumigil mag laro | |
| Kapalit ng barya ang katawan nilalaro | |
| Sa umaga uuwi nakangiti ito may kita | |
| Kala nila na hindi ko pansin mga luha at mga pasa | |
| Si nanay problemado di madaan sa paglaba | |
| Mas mahal pa ang sabon ng amo kesa sa kanya | |
| Sugatan na mga palad namumula sa hapdi | |
| Inang walang katulad pinalit lamang sa washing machine | |
| Kahit ganun pa man ginagapang parin namin ito | |
| Kahit ganun pa man ginagapang parin namin ito | |
| Parisukat na papag oh aming tahanan | |
| Kahit ganun pa man ginagapang parin namin ito | |
| Kahit ganun pa man ginagapang parin namin ito | |
| Kahit ganun pa man ginagapang parin namin ito | |
| Parisukat na papag oh aming tahanan | |
| Kahit ganun pa man ginagapang parin namin ito | |
| Isang gabing tahimik tila ba himala | |
| Lahat kami ay nasa bahay salo-salo sa hapunan | |
| Minsan lang mangyari ' to mahimbang ba ang tulog ko | |
| Mga ngiting hindi pag-papalit sa kahit na ano | |
| Mga pulis na naka-maskara | |
| Pumasok sa aming tahanan at kami ay tinutukan | |
| Pinaluhod at binantaan na papatayin | |
| Kapag kami ay nag ingay o pag kami' y hindi umamin | |
| Pangalan ng tatay ko' y binanggit sabay tanong | |
| Adik ka ba adik ka ba adik ka nga hindi hindi wag po | |
| Pilit nilang paratang | |
| Sa tatay kong pagod pumapadyak na lamang | |
| Para kami ay itaguyod kahit na gumagapang | |
| Sunog ang batok sa maghapon iyon ba' y kasalanan | |