| [00:22.91] |
Nakaupo ako, lumalamon sila |
| [00:28.82] |
Masasaya itong aking mga kaibigan |
| [00:33.84] |
Abot-kamay nila ang bunga ng puno |
| [00:39.40] |
Dahil balikat ko ang ginawang tungtungan |
| [00:45.05] |
Habang namimitas, lalong natatakam |
| [00:50.92] |
Sila ay para bang wala nang kabusugan |
| [00:56.28] |
Kahit alam nilang mayro'ng mga langgam |
| [01:01.82] |
At ang aking paa ang siyang inuupakan |
| [01:08.43] |
Nais ko nang magpahinga |
| [01:13.22] |
Marami na 'kong nagawa at natulungan |
| [01:19.63] |
Ako'y labis na nag-aalala |
| [01:24.42] |
Baka ang puno ay tuluyan nang maubusan ng bunga |
| [01:30.56] |
|
| [01:41.65] |
Nakaupo ako, nagbabantay sila |
| [01:46.78] |
Ang mga aso ko'y laging maaasahan |
| [01:52.30] |
Hindi ko lang alam ang binabantayan |
| [01:58.28] |
Ito bang puno o itong aking upuan? |
| [02:03.89] |
Itali ko kaya sa bahay ng langgam |
| [02:09.26] |
Maglilingkod ba o maghahari-harian? |
| [02:15.15] |
Masasagot lamang ang malaking tanong |
| [02:20.79] |
Kapag ako ay nawala na nang lubusan |
| [02:27.15] |
Nais ko nang magpahinga |
| [02:31.92] |
Marami na 'kong nagawa at natulungan |
| [02:38.10] |
Ako'y labis na nag-aalala |
| [02:43.16] |
Baka itong mga aso ay maulol at magwala |
| [02:49.14] |
|
| [03:00.33] |
Nakaupo ako, naiinggit sila |
| [03:05.72] |
Silang nais na pumalit sa 'king upuan |
| [03:11.34] |
Ayokong tumayo sa upuang ito |
| [03:16.78] |
Kahit ito'y sinusurot at inaanay |
| [03:22.35] |
Ang upuang ito ay para sa bantay |
| [03:27.99] |
Ng punong ang ibinubunga'y kayamanan |
| [03:33.85] |
Nangangamba ako kung uupo sila |
| [03:39.44] |
Baka ang puno ay lalong mapabayaan |
| [03:45.89] |
Nais ko nang magpahinga |
| [03:50.69] |
Marami na 'kong nagawa at natulungan |
| [03:56.85] |
Ako'y labis na nag-aalala |
| [04:01.65] |
Marami ang magtutulakan, makuha lang ang aking upuan |
| [04:15.51] |
|