| [00:08.38] | 'Wag kang mabahala, may nagbabantay sa dilim |
| [00:16.16] | Nag-aabang sa sulok at may hawak na patalim |
| [00:24.48] | 'Di ka hahayaan na muli pang masaktan |
| [00:32.45] | 'Wag ka nang matakot sa dilim |
| [00:40.23] | Ito ay kuwentong hango, nanggaling sa dalawang taong |
| [00:44.02] | Nagmamahalan nang tunay, ang ngala'y Elsa at Lando |
| [00:48.08] | At kahit parang pagkakataon ay nakakandado |
| [00:51.87] | Dahil magkalayo ang uri ng buhay ang estado |
| [00:55.94] | Ng buhay ni Lando ay 'di nalalayo sa marami |
| [00:59.96] | Sinunog ng araw ang kulay ng balat |
| [01:03.05] | At marami nang galon ng pawis ang kanyang naidilig sa lupa |
| [01:07.95] | Upang ang gutom ay 'di na masuklian pa ng luha |
| [01:11.90] | Habang ang babaeng kanyang minamahal ay sagana |
| [01:16.26] | Ngunit kabilang sa pamilya na 'di alintanang |
| [01:19.81] | Makipagkapuwa-tao sa mga tulad n'yang dukha |
| [01:23.77] | Gayon pa ma'y patuloy ang pagmamahal na pinunla ng pag-ibig |
| [01:28.54] | 'Wag kang mabahala, may nagbabantay sa dilim |
| [01:36.09] | Nag-aabang sa sulok at may hawak na patalim |
| [01:44.32] | 'Di ka hahayaan na muli pang masaktan |
| [01:52.34] | 'Wag ka nang matakot sa dilim |
| [01:59.82] | Kahit na ano mang bagay ang pilit na ihadlang |
| [02:04.01] | Sino man ay walang makapipigil sa paghakbang |
| [02:07.76] | Ng mga paa na ang nais ay marating ang ligaya |
| [02:12.06] | Niyayang magtanan, 'di nag-atubili na sumama |
| [02:15.95] | Hawak ang pangarap at pangako sa isa't isa |
| [02:20.01] | Nagpakalayo-layo, 'di namuhay na may kaba |
| [02:23.68] | Dahil alam nila na sa bawat isa'y nakalaan |
| [02:27.82] | At ang pagmamahalan, tangi nilang sinasandalan |
| [02:32.09] | Wala nang ibang bagay pa silang mahihiling |
| [02:35.73] | Kundi isang pamilya sa loob ng apat na dingding |
| [02:39.82] | At isang bubong na maaaring tawaging tahanan |
| [02:43.97] | Bakit may pangit na kabanatang kailangang daanan pa? |
| [02:48.49] | 'Wag kang mabahala, may nagbabantay sa dilim |
| [02:56.10] | Nag-aabang sa sulok at may hawak na patalim |
| [03:04.41] | 'Di ka hahayaan na muli pang masaktan |
| [03:12.32] | 'Wag ka nang matakot sa dilim |
| [03:19.82] | Isang gabi ng Huwebes, lumubog na ang araw |
| [03:23.60] | Doon tayo magkita, pasalubong ko'y siopao |
| [03:27.69] | Upang ating paghatian pagdating ng hapunan |
| [03:31.66] | Mayro'n palang nakaabang sa 'min na kamalasan |
| [03:35.86] | Eskinita sa Ermita, may sumaksak kay Elsa |
| [03:39.74] | Sa tagiliran, isang makalawang na lanseta |
| [03:43.61] | Ang gamit upang makuha lang ang kanyang pitaka |
| [03:47.67] | Kami'y mahirap lamang, bakit 'di na s'ya naawa? |
| [03:51.61] | Hindi ko naabutang buhay ang aking mahal |
| [03:55.62] | At hanggang sa huling hantungan ay nagdarasal |
| [03:59.74] | "Bakit po? Bakit po?", ang laging lumalabas |
| [04:03.64] | Sa 'king bibig, palaboy-laboy, ni walang landas |
| [04:07.81] | Akong sinusunod, baliw sa mata ng marami |
| [04:11.95] | Siguro nga, 'di ko na kilala ang aking sarili |
| [04:15.98] | Pangala'y taong grasa, may patalim na gamit |
| [04:19.74] | At ang tanging alam ay isang malungkot na awit, at ang sabi |
| [04:24.36] | 'Wag kang mabahala, may nagbabantay sa dilim |
| [04:32.15] | Nag-aabang sa sulok at may hawak na patalim |
| [04:40.49] | 'Di ka hahayaan na muli pang masaktan |
| [04:48.42] | 'Wag ka nang matakot sa dilim |
| [04:52.86] |