Tinta

Tinta 歌词

歌曲 Tinta
歌手 Gloc 9
专辑 Matrikula
下载 Image LRC TXT
[00:01.53] Pwedeng asul, pwedeng itim, pwedeng pula, pwedeng iba
[00:06.79] Ang mahalaga'y kung ano ang maiintindihan nila
[00:12.89] Sila na siyang makikinig at kakabisado ng kanta
[00:18.79] Ngayon, sabihin mo sa akin, pa'no mo ginamit ang tinta?
[00:37.36] Nagsimula ang lahat nang aking mahawakan
[00:40.76] Ang papel at panulat habang ako'y tinuturuan ni Nanay
[00:44.03] Habang siya'y naglalaba ng damit sa poso
[00:46.54] Paulit-ulit isinusulat at dapat diretso
[00:49.64] Ang mga letra na parang petsa sa kalendaryo
[00:52.22] Magbasa ng aklat, kung minsan nama'y komiks at diyaryo
[00:55.27] Nang sa gayo'y mapalawak ang aking bokabularyo
[00:58.38] At hindi imbento na parang gamot ng albularyo
[01:01.30] Nag-aral, isa, dalawa, tatlong baitang sa elementarya
[01:04.44] Natapos sa ika-anim ngunit walang medalyang nakasabit sa 'king leeg
[01:08.80] Nang hindi sampagitang dala-dala ni Tatay
[01:11.67] Pagkatapos niyang mamasada
[01:13.47] Lumipas ang mga taon, sinubukang lumikha
[01:16.57] Mga salitang magkatugma na ang tawag ay tula
[01:19.58] Ngunit may nagsabi sa akin, "Ris, pag-naroon ka na
[01:22.34] Sabihin mo sa akin kung pa'no mo ginamit ang tinta"
[01:25.10] Pwedeng asul, pwedeng itim, pwedeng pula, pwedeng iba
[01:30.83] Ang mahalaga'y kung ano ang maiintindihan nila
[01:36.80] Sila na siyang makikinig at kakabisado ng kanta
[01:43.02] Ngayon, sabihin mo sa akin, pa'no mo ginamit ang tinta?
[02:01.23] Paggising mo sa umaga, maliligo ka sa banyo
[02:04.24] Papasok ka sa eskuwela, manghihingi ka ng baon
[02:07.44] Kung titingna'y wala kang pinagkaiba sa lahat
[02:10.41] Ngunit sa iyong isipan ay may nabubuong alamat
[02:13.36] Ng isang makatang laging titingalain ng lahat
[02:16.29] Mga awit na ikaw lang ang may alam ng pamagat
[02:19.16] Na balang araw ay sasambitin, awit mo'y kakantahin
[02:22.79] Ng lahat ng batang tulad mo na may pangarap rin
[02:25.87] Ngunit ngayo'y nagsisimula ka pa lang
[02:28.65] 'Di mo hahayaang pigilan ang iyong bawat hakbang
[02:31.38] Kahit na ito'y mabagal na parang nakasaklay
[02:34.54] Ang mga pangarap mo ang siyang sandata mong taglay
[02:37.52] Walang makakapigil, kahit minsan ay parang
[02:40.62] Wala ka nang maayos na lupang pwedeng lakaran
[02:43.38] Ngunit pagdating ng araw at naro'n ka na
[02:46.77] Sabihin mo sa akin kung pa'no mo ginamit ang tinta
[02:49.44] Pwedeng asul, pwedeng itim, pwedeng pula, pwedeng iba
[02:54.96] Ang mahalaga'y kung ano ang maiintindihan nila
[03:00.75] Sila na siyang makikinig at kakabisado ng kanta
[03:06.84] Ngayon, sabihin mo sa akin, pa'no mo ginamit ang tinta?
[03:26.50]
Tinta 歌词
YouTube搜索结果 (转至YouTube)