| [00:09.36] | Tulog na, anak, at bukas ay may umagang darating |
| [00:15.91] | Minamasdan kita habang tulog na parang isang bituin |
| [00:23.37] | Kahit pa iniwan tayo ng 'yong ina |
| [00:29.64] | Dahil ako'y mahirap, kaya't sumama sa iba |
| [00:36.76] | Ngayon, ika'y musmos pa lamang, tatlong taong gulang |
| [00:43.56] | Lahat ay gagawin, haharapin, mapag-aral ka lang |
| [00:49.92] | Upang maabot mo, buhay na pinapangarap ko |
| [00:57.10] | At iyong malisan, hirap na kinamulatan ko |
| [01:04.13] | Lumipas ang ilang taon, ako ay umalis |
| [01:10.93] | At sa malayong pook, ako ay nagtiis |
| [01:18.07] | Larawan mo ang laging hawak-hawak ko |
| [01:24.82] | Ano mang dusa, ito ay kakayanin ko |
| [01:32.14] | Ako ay nagbalik sa araw ng 'yong kaarawan |
| [01:38.34] | Malayo pa lamang, nakita ko na, ako'y kinabahan |
| [01:45.04] | Bakit maraming ilaw sa loob ng aming tahanan? |
| [01:51.90] | Ako ay lumuluha, mukha mo ay pinagmamasdan |
| [01:59.10] | Paalam na, aking anak, at sa gabing darating |
| [02:05.69] | Ako'y titingala at hahanapin ka sa mga bituin |
| [02:12.56] |